Bagamat hindi na kasingdalas ang pagkakaroon ng bulutong ngayon dahil sa pagpapabakuna, marami pa rin sa atin ang nagkaroon ng bulutong noong tayo ay bata pa. At karamihan ay may ala-ala pa nito dahil sa mga peklat sa ating katawan. Madalas ay gusto nating mawala ang mga ito, kaya tayo naghahanap ng epektong gamot sa peklat ng bulutong.
Ang labis na pagkamot sa sugat dala ng bulutong ang sanhi kaya ito nagpepeklat. Kapag nagkakaroon ng malalim na sugat ang balat, ang ating katawan ay nagpo-produce ng scar tissue, o tissue na mas makapal sa balat upang gumaling ang sugat.
Namamaga ang balat kung mayroong bulutong, kaya ang mga sugat ay nagiging peklat na nakalubog.
May iba’t ibang uri ng gamot upang mawala ang peklat ng bulutong. Mayroong natural, nabibili sa drug store, o hospital procedures. Ngunit parating tandaan: kumonsulta muna sa duktor bago gamitin ang mga ito, mas lalo kung gagamitin ito sa balat ng bata.
title="Paano maiwasan ang peklat ng bulutong
">Paano maiwasan ang peklat ng bulutong
Natural na gamot sa peklat ng bulutong
Larawan mula sa iStock
Rosehip Oil. Ang essential oils na nakukuha sa rosehip ay maraming therapeutic value dahil sa taglay nitong antioxidant effects at phytochemicals tulad ng ascorbis acid at fatty acids.
May mga pag-aaral na nagsasabing ang paglalagay ng rosehip oil sa bagong peklat ng dalawang beses kada araw sa loob ng 12 linggo ay nakakatulong sa paghupa ng itsura nito.
Over-the-counter na gamot sa peklat ng bulutong
Retinol creams. Ang retinol ay mabisang derivative ng Vitamin A, at napatunayang pinapalakas nito ang production ng collagen. Sa isang pag-aaral ng pinagsamang epekto ng retinol at glycolic acid sa peklat mula sa acne, nakitang higit sa 90 porsyento ng lumahok ay nakitaan ng improvements sa kanilang peklat.
Lagyan ng retinol cream ang peklat gabi-gabi bago matulog upang ma-stimulate ang collagen sa mga kailangang lugar. Kung sensitibo ang iyong balat, simulan muna ang paglalagay every other night.
Exfoliation. Tinatanggal ng exfoliation ang lumang skin cells, at nagbibigay daan sa mas bago at magandang balat. Ang pag-e-exfoliate sa peklat ay maaaring makatanggal ng pigmented o magaspang na balat.
May dalawang uri ng exfoliation: mechanical at chemical.
Kabilang sa mechanical exfoliation ang body scrubs, face scrubs, brushes, at iba pa. Gawin ito sa iyong peklat gamit ang circular motions, tuwing ikatlong araw.
Samantala, ang chemical exfoliation naman ay gumagamit ng lotion na nagpo-produce ng chemical reaction at tinatanggal ang top layer ng balat. Sundin ang directions kung gaano ito kadalas ilalagay sa iyong peklat.
Scar removal creams. May nabibiling over-the-counter creams para matanggal ang peklat. Mayroon itong sangkap na sinasabing nakakapigil at nakakakupas ng itsura ng peklat.
Professional na treatments bilang gamot sa peklat ng bulutong:
Larawan mula sa iStock
- Excision o punch excision
- Fillers
- Microneedling
- Microdermabrasion
- Chemical peels
- Skin grafting
- Laser resurfacing
Paano maiwasan ang peklat ng bulutong
Larawan mula sa iStock
Mas makabubuting iwasan ang magkaroon ng peklat mula sa bulutong. Kung ikaw o ang iyong anak ay may bulutong, gawin ang mga sumusunod:
- Iwasan ang pagkakamot hanggat maaari.
- Magsuot ng mittens o makapal na guwantes upang maiwasang masira ang balat sa pagkamot.
- Lagyan ng lotion ang mga sugat. Gumamit ng lotion na may cocoa butter o aloe vera.
- Lagyan ang sugat ng anti-itch cream gaya ng calamine lotion.
- Gawin ang oatmeal bath.
- Uminom ng antihistamine.
- Magpabakuna, bata man o matanda, upang maiwasan ang pagkakaroon ng bulutong.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!